Samsung Cheer Dance 2011 Notes — ZOMG UP PEP!! WHEEEEEE!!

First things first: Ang pikon ay laging talo. At ang pagkatalo ay parte ng buhay.

It has become a little tradition of mine to review the cheer dance every year. I’m no expert when it comes to these things pero aminin na nating lahat, masaya mag-comment.

Adamson

  • The boys’ uniform looked like Power Ranger suits. In fairness. Sana naging Power Rangers na lang din ang theme, astig naman sayawan yung opening song nun diba. (Mighty morphin’ Power Rangerrrrs)
  • Alam ko na ang favorite movie ng mga binuhat na hotties sa Adamson Pep Squad. Nginig.

Ateneo

  • In fairness, one big improvement ang nangyari sa routine ng Ateneo. As always, mukhang mamahalin ang costume. Sayang walang most zazshyahl costume award eh.
  • Their routine looked like they were trying to hold back. I don’t know why though. I mean, it’s a competition, so dapat pagalingan. Finesse na finesse pa rin yung Blue Babble. Yun siguro yung tinatawag na classy cheer dance.
  • Nag bonggang A formation ang Blue Babble kanina. Sayang. Sana ATENEO na lang yung finorm nila with their bodies, mas nakakabilib yun o.

NU

  • I’d have to give special citation to NU for their costume. Mukhang mabigat yun ah. Mukhang mahirap sumayaw while you’re wearing it.
  • Dahil sa bongga ang costume, medyo nakulangan ako sa sayaw. They had matador outfits and red cloths, bakit hindi nailabas yung toro?

DLSU (1st Place)

  • In fairness sa Game of Thrones + LOTR + Encantadia look, ang ganda ng effect sa sayaw. Mukhang narinig ng mga hari at reyna ang panalangin ng DLSU, ayun naka-place sila.
  • Nakakaloka meron silang sariling music. Creepy nga lang yung boses pero that’s not the point. Meron silang sariling music!! Next year marami ng gagaya dyan for sure.
  • Their costume made them look like dwarves dancing in the middle of a court. Sayang. Sana sinet nila yung mood. Sana may dim lights tapos puro vines everywhere and trees. Yung tipong bababa yung background nila from the ceiling of the Smart-Araneta Coliseum, ganon. Diba mas bongga.

UP PEP SQUAD!! AAAAHHHH!!! CHAMPIONSSSS!!


  • Hindi naman masyadong halata kung anong school ang manok ko. Hihihihi. To be honest, UP’s routine this year was simple. Pero malinis. Walang nalaglag, walang nagkamali, walang nahuli sa bilang. Hindi rin ganon karami ang pyramids and bonggang stunts. Quality over quantity kasi.
  • BLONDE!! BLONDE!! Hahahaha. Grabe gusto ko bigla magpagupit at magpa-blonde. Mala-Madonna tribute kasi yung take ng UP this year, kaya blonde. Pero I’d like to think that their blonde hair is also about the stereotype among blondes. Wala lang. Kino-connect ko lang. Hahaha. Grabe. Who would’ve thought na bagay ang blonde sa kanilang lahat? Kaloka.
  • The white lines on their uniforms made them look like they were gliding! Hindi masakit sa mata ang costume. Simplicity is the key. It always is.

FEU (2nd Place)

  • Is it just me o medyo mahaba yung routine ng FEU? O siguro kasi masyado akong natuwa sa pinakita ng UP Pep kaya nagmamadali na kong matapos yung ibang groups at nainip na habang nanood? Hihi. Sorry FEU.
  • FEU’s routine is very, very safe this year. Last year nakakatakot yung routine nila. Akala ko nga sila mananalo kasi magaling talaga. I don’t know what happened ngayon. Pagod? O baka na-underestimate nila ang ibang groups. FEU was good pero they didn’t really show anything special.
  • Forming your school’s name with your bodies is sooooo last year, friends. As in last year ginawa na ng UP Pep yan.

UST

  • Their costume was just so… ewan ko ba. Seriously? A cross on the chest? Mukha silang galing sa crusade. Ang kaso, maraming namatay sa crusade diba? Diba? Ayun. Naulit ang nangyari noon. Hindi maganda ang ending.
  • I could not figure out why on earth did they have to send someone dressed as a priest towards the end of their performance. It was disturbing. Anong implication nun? Ayun. Nasabi ko tuloy sa Facebook na “Thou shall not put the name of the Lord in vain.” Kasi bad yun! Tsaka yung mga gumagawa nun, pinaparusahan. Balita ko hindi raw sila pinapanalo ng cheer dance.
  • I won’t be surprised if they’d dye their hair blonde next year. The UST Salinggawi did half of UP Pep’s 2010 routine kanina. Hindi ako sure kung bakit ganon ang ginawa nila. Like that formation on the floor na nag-se-spell ng name ng school? Gosh ha. That’s soooo last year! (Literally.)

UE

  • Ang theme ng UE? Encantadia!! Nakakaloka yung head piece!! Silver. Ewan ko lang kung may bato, hindi ko kasi nakita ng close up. Source ba dapat yun ng kapangyarihan? Parang may kumontra. Sayang.
  • My friend said, “Simple na nga lang di pa magawa.” — Kasi simple lang routine ng UE pero ewan ko ba, hindi yata sila pwedeng magsabay-sabay. Sayang. Maganda sana tingnan kaso hindi sila nagbibilang.
  • UE Fight. Seriously?

Anyway, bad vibes are gone!! Dahil nanalo ang UP Pep Squad!! Wheeeeeee!! Thank you, UP Pep! Thank you! Six years ago, I asked for a huge favor from the UP Pep Squad and they gladly helped me. This is my way of showing them my support. I wish I could do more for them in the coming years. Hihihihi. Let’s go UP!!

Ang daming bitter from another school!! Dapat samantalahin na nila ang pagkakataon at magtayo sila ng coffee shops. Para naman may use ang pagka-bitter. Hihihihi. I love this feeling. Again, thank you UP Pep Squad!

♥ Dyosaimma

My cousin wants to play the bastusan round. I’m soooo game.

I do realize the gravity of the consequences of my actions. And yes, I am aware that the issue between me and my cousin who has peanuts for brains and a single digit number for an IQ has blown out of proportion. I also know that I am the one to blame for all of it—dahil dapat pinalampas ko na lang lahat ng comments/lait nya.

Eh bakit nga ba kasi hindi ko na lang pinalampas?

Let me begin by saying na hobby ko ang panglalait. I am not proud of it and I know that it’s wrong for me to find sneaky ways para lang manlait minsan. Pero nanlalait ako under the following circumstances lang: if I’ve seen better and/or if I know better. Kasi yun naman ang premise ng pagiging isang critic diba, kung alam mo kung ano ang dapat at kung ano ang maganda. Kaya para sa akin, kung walang idea ang isang tao kung ano ang dapat or kung di pa nya na-e-experience ang isang bagay, wala sya sa lugar para manglait. It’s not rocket science: how can you possibly say something bad about a concept or a product or a gesture if you have no idea how good it should be? It’d be like hearing a coffee virgin say after drinking his/her first cup of coffee na it tasted bad. Diba, paano nya nalamang masama lasa nung nainom nya kung di nya alam kung di pa naman sya nakatikim ng iba?

Having said such things, I will now explain kung bakit hindi ko na lang pinalampas ang comments/lait ng pinsan ko: dahil lahat ng nilait/kinomentan nya tungkol sa akin eh wala naman sa kanya. Sige, iisa-isahin ko ha. Nag-comment sya about manual cars and yet she has no idea how to drive a stick shift. Next, nag-comment naman sya tungkol sa iPod Touch. Twice. May iPod ba sya? Wala. Next comment was about DSLR cameras. Does she even know what aperture and focal length mean? Hindi. Wala nga palang DSLR si cousin. Yung pinaka-nakakapikon nyang ginawa was to tell me that braces were made for horses. So kabayo na pala ako ngayon at lahat ng taong nagsoot nito, ganon? Even if she meant to say that as a joke, napikon ako. Kasi last straw na yun eh. Punung-puno na ako sa lahat ng comments/lait nya, pero pinalampas ko lahat yun dahil mas matanda sya sa akin (by one year) at dahil lagi kaming sinasabihan ni Mama na malaki ang utang na loob namin sa kanila.

Kaya lang, kung hindi ako umangal noon, ano pa kayang nacommentan ng pinsan ko? Hindi ko sure. Wala naman kasi syang sinasanto eh. Teacher kasi sya, so kahit wala na sya sa school, feel na feel pa rin nyang gawin yung nakasanayan sa school: yung magsalita kahit wala namang interesadong makinig. Hindi man lang nya na-realize na marami nang napipikon sa kanya.

Sige, sasabihin ko nang mali yung ginawa kong sulatan sya and give her a vivid picture of how much I loathe her existence and her lack of logic. Hindi ko i-ju-justify ang ginawa ko, pero hindi ko naman babawiin lahat ng sinabi ko sa letter ko sa kanya dahil totoo naman eh. Wala naman sya sa lugar mag-comment dahil wala syang idea sa kahit na anong nilait nya sa akin at sa pamilya ko. Sige, mayaman sila. Alam naming lahat yun, hindi na nya kailanang ipangalandakan sa mundo yun. Hindi rin naman kasi namin pinangangalandakan sa mukha nyang alam naming lahat na hindi sya matalino, at hindi nya alam ang difference between “your” at “you’re”. Hindi ko rin naman sya nilait nung hindi sya pumasa ng UST. She did not hear me mock her when she had to take summer classes just so she could get in Miriam. She did not hear me laugh at her when I knew how much she makes in a month—even though I was dying to ask her whether she was serious. She never heard me say na ang IQ nya ay size lang ng paa ko. Never.

So. Ngayong bino-broadcast pala nya sa ibang tao ang nangyari sa aming dalawa, I don’t know, maybe dahil she’s hoping na makahanap ng kakampi or something, siguro fair lang na magsalita ako tungkol dito. Para lang malaman din nyang kung bastusan lang din ang hanap nya eh yun ang ibibigay ko. One hit lang naman ang gusto ko, kasi yun lang naman ang kailangan para manahimik sya eh. Sa letter ko sa kanya, I told her na tsaka na kami mag-usap kung kaya na rin nyang bilhin lahat ng gamit kong nilait nya. Hindi nya yata naintindihan yun eh.

So. My dear cousin, makipagharap ka sa akin kung talagang matapang ka. We’re not in kindergarten anymore, so hindi na cute ang drama ng pagsusumbong sa nanay. That ain’t cool you know, kasi pareho na tayong nagtatrabaho. At isa pa, hindi naman sila dapat kasama sa issue eh, kaya wag na rin silang makulit. Oh and by the way, may theory nga pala kami kung bakit ang laki laki ng bahay nyo: para syempre magkasya lahat ng pamilya ng daddy mo!! Hahahaha. Ang galing no, alam namin yan. Actually marami pa kaming alam. Hahahaha. I can’t wait to talk to you na nga eh. See you soon, okay? Ingat kayo palagi. Because you have no idea what me and my family are capable of.

♥ Dyosaimma

Hubad na tuna

Aside

Makakatulog na sana ako dahil napagod ako sa paglilinis, paglilipat ng cabinets at pag-re-rewire ng internet namin sa bahay kaya lang may biglang nag-text sa akin nito:

Hindi ko na lang ipapakita kung kanino galing yung text na yan, kasi baka kung anong mangyari sa kanya eh. Baka bigla syang sapakin ni KC, ganon. Maskulada pa naman yun. Baka mapuruhan lang si texter. Ayokong i-risk. Hahaha.

So ayan, natuwa lang ako sa tinext sa akin. Kasi kung iisipin, tama sya eh. Kelangan ba talagang walang damit bago kumain? Parang hindi naman. I can’t remember the last time I ate without my clothes on. Hell hindi ko pa nga na-ta-try kumain ng walang top! At wala rin akong kakilalang nagtatanggal ng top bago kumain. So medyo nakakawindang ang sinu-suggest ng commercial. Ganyan din yung concept ng San Mig Coffee a few years ago. Si Piolo rin ang endorser nila. At hinubad nya yung polo nya tapos rumampa tapos tsaka uminom ng kape. Kahit pa sabihin pa nating selling point ang katawan ni Piolo at ganon talaga ang kalakaran because an ad is supposed to sell a product, wala pa ring connect yung concept. Hihi.

Pero maganda naman talaga kasi ang katawan ni Piolo. Just saying. Pero wala pa rin talagang logic yung concept ng ad nya. Hahaha. Mas may pull yung last na sinabi ko kesa dun sa una ah. Chos.

Love, Dyosaimma

PS: ZOMG kaya ko naman palang i-give up si Piolo Pascual for lent eh!

PPS: I can do this I can do this I can do this! (Work stuff.)

PPPS: Nawiwindang na ako sa dami ng trabaho. Grabe. I love doing this pero too much na sya. Oh. Well.

How To Be Mean: Episode 1 (Just sayin’)

Yaman din lamang na dito ko na nilalabas ang sama ng loob ko sa mga mabababaw na bagay, from now on, ang magiging title ng posts na may ganitong theme ay “how to be mean”. Tapos dudugtungan ko na lang ng kung pang-ilang entry na yung certain post na yun sa series. Hahaha. The meanness from within. My gosh. I shouldn’t be too proud of this, yung sa pagiging masama ba, pero WTH.

————————————————–

“Ang braces, pang-kabayo.”

MEHN. Imagine hearing that from someone, who makes a fraction of your salary, on a day when you’re supposed to catch up on each other’s lives and talk about fun stuff.

Now, imagine hearing this from me, in response to what that person said:

Ang braces ay hindi para sa kabayo. Ito ay para sa mga may pambayad at para sa may oras magpa-ayos ng ngipin. At ang mga banat mo ay halatang galing sa isang hindi masyadong matalinong tao.

But of course, I didn’t say that out loud. Because it’d be redundant if I were to state the obvious. And besides, I still can’t bring myself to tell her that I wish her soul would rot in hell for all the negative things that she said when I bought my iPod Touch (last year and this year) and my DSLR.

And it kills me to think that I really really really want to shatter her belief that she’s better than ALL of us–pero shit lang, hindi ko talaga magawang barahin sya ng matindi. Puro pa-joke pa rin ang banat ko pabalik. Minsan naman, hindi ko na lang sya pinapansin.

Naiisip ko kasi, ang mean ko naman kasi kung sasagutin at aawayin ko pa sya. Hindi na nga nya alam ang tamang use ng “your” at “you’re”, tapos lalaitin ko pa sya?

Binura ko na lang sya sa friends ko sa Facebook. Oooooh too bad, di na kami friends. Sad no? Keri lang.

SM struggle

Lately, struggle na ang pagpunta sa SM North or sa Trinoma pag weekends. Quesci graduate ako kaya home mall ko ang SM North: it’s practically where I “grew up”. I’ve come to loathe going to SM North during weekends lately, kasi naman masyadong maraming youth from the other dimension.

I was trying to recall how we were back in high school pag Saturday. Usually may practice pag ganon. Given na yun na ang meeting place is McDo Carpark (na wala na ngayon huuu memories). Yung 8AM na meeting time, code yun for 9:30-10AM, wala naman kasing nandun ng 8AM talaga. Pag sinabing “practice” o kaya “gagawa ng project”, ibig sabihin nun, mag-uusap ng 30 minutes about the project tapos gagala na at maglalaro sa Club Synergy or sa Worlds of Fun. (Worlds, with the letter s, pa yun dati. Ngayon World of Fun na lang sya. Ang laking pagbabago nga naman nun. Hahaha.)

Back in high school, the skinny jeans and black shirt combo didn’t exist yet. Ang uso noon, elephant pants. PANIS. Tapos syempre, sneakers. Nagkalkal ako ng ilang pictures, hindi naman kami mukhang madumi tingnan. Tsaka hindi naman kami nang-di-disrupt ng katahimikan ng ibang naglalakad sa mall noon. We’d walk in groups and would laugh out loud, pero mukha naman kaming normal. Tapos nun, pag wala na kaming gagawin sa mall or kung wala ng pera (yan lang naman ang cause ng pagkaubos ng gagawin eh), uwi na kami.

Wala lang. I don’t get it. Sana ma-realize ng mga batang may masisikip na pantalon at coffin bags na it’s not that fun anymore pag pinupuno na nila ang mga SM malls. Yes, I get it, SM (o kung ano mang iba pang mall for that matter) is a public place–pero naman, kelangan bang gawing ganon ka-public? Sorry.

Pero dahil sa kanila, mas ginaganahan akong pumuta sa ibang malls na hindi ko naman super pinupuntahan talaga.

I had lunch with Mr. Reyes yesterday and I told him na napapadalas ang punta ko sa Podium kasi nakakatuwang maglakad-lakad doon. I was amazed sa kung gaano ka-enthusiastic ang pag-agree nya with what I said kasi pareho pala kami na minsan gusto rin naman maging tahimik.

Sana sana sana maging next na uso naman ang pagpunta sa mga wet markets para sa mga kabataan. (Yes, alam kong hindi na ko ganon ka-bata anobeh hahaha.) Tapos hindi na ulit magiging ganon ka-crowded ang malls na hindi super zazshyal. Wheeee.

Sana sana sana sana talaga may magpa-uso na ng wet market tambayan. Come on kids, go there.

San Miguel

Lesson for the Day: I have to learn when to shut up.

Oh God. I don’t even know how to start.

I am dense. I am probably the densest thing on earth ever. Fine, sige, kung ano man yung bagay na may pinakamataas na computed density, mas mataas pa ang density ko dun. Density is mass divided by volume, so it’s like saying na mabigat ako pero wala akong capacity to take in too much. Hindi ko sure kung sa anong sense ko hindi talaga kayang mag-absorb ng sobrang dami. Baka yung puso ko hindi masyadong kaya ang too much love. Pwede ring yung utak ko hindi kayang mag-hold ng masyadong maraming information. Pwede rin namang yung tyan ko hindi kaya ang masyadong maraming pagkain. Or pwede ring yung wallet ko hindi sanay sa masyadong maraming pera. Hardyharhar. Ewan ko kung saan ako dyan pasok.

Anyway, as I was saying, I am dense. At hindi magandang combination yan sa pagiging mapanlait ko. Yes, ibang level ang panlalait ko. Bakit? Kasi I know for one na in this cruel, cruel world, maraming nanlalait sa akin. Hindi ko naririnig yan lahat at hindi ko rin naman gustong marinig. Oh well. At yan ang logic ko sa panlalait: quits lang, ang pikon ay talo. I’d like to think that by default, all human beings judge. We are hard-wired to be too quick with our judgements and more often than not, our opinions about things make us unique. They can make other people hate us or love us. Pwede ring our judgements can make other people love hating us. So. I totally get it kung may naiinis dahil minsan talaga I don’t know when to stop picking on people. I guess I have to spend more time alone para hindi ako nakakapanlait masyado. Syempre pag mag-isa lang ako, hindi naman ako biglang magsasalita na lang at manlalait no. Syempre wala akong kausap.

Argh. Pero ewan ko. Hindi ko gustong i-defend yung ginawa ko. Ayaw ko na rin namang i-criticize yung pagiging sensitive masyado ng ibang tao. Siguro gusto ko lang mag-type talaga.

Tsaka gusto ko rin pala mag sorry. (Bakit ba naman kasi hindi ako matuto-tuto? Mehn. I am a very bad student. Come on mamon Imma you can do this.) I just want to say na I am sorry kung may nasaktan kanina sa KFC Congressional Avenue. Nasabi ko na lahat ng nasabi ko at oo, sana nga nag-apply na lang ako sa comedy bar kung gusto ko lang manlait ng bongga. For what it’s worth, I’d like to think na hindi sa amount ng panlalait ko o sa tindi ng pagiging sensitive ng isang tao naka-depende ang isang friendship. Mas gusto kong isipin na matagal na tayong magkakakilala, we’ve been through each other’s woes about our respective family issues and other things that are worth drowning in a bucket of San Mig Light for. I’d like to think na malalim na rin naman, kahit papano, ang pinagsamahan natin.

Para dun sa taong na-offend kanina, gusto kong mag sorry. I’d like to say more sana, para mag-explain or kung ano mang pwede pang magawa, pero I guess I’ve said too much already. Yes, my dear friend, you have a point. Aaaahhhh. Sorry.

Pogay

Do you know how disappointing it is to be handed a box which carries the label “candies” and then later find out that it is actually filled with shit? Disappointing yun sobra. As in nakakainis. Pinaasa ka na, tapos dahil optimistic ka at dahil hayok ka na sa sweets eh umasa ka namang candy nga ang makikita mo sa loob. Tapos iba laman eh no. Yung hindi talaga matamis at all. Imagine that. Nakakainissssss yun.

Well. That’s how I felt this evening as I walked to our house. I could’ve used the car this morning when I left, pero tamad na ko mag-drive at naiinis na ko sa mga hitad na jeeps, taxi at bus na nagkalat sa Metro Manila, kaya sige, wag na lang muna. Tsaka it was much cheaper kung mag-co-commute ako. Oh well. So ayun. Pauwi na ko and I felt like walking, keri naman eh, kaya naglakad ako. BOOM BOOM POW! There goes my heart: may kasabay akong maglakad na pogi. We’ve been living here in Project 8 for almost 15 years already at sa loob ng 15 years na yan, hindi pa lalagpas sa mga daliri ko sa kamay ang bilang ng mga pogi na nakita kong malapit lang ang bahay sa amin. Sa madaling sabi, hayok ako sa pogi na within our area lang. So nag-boom-boom-pow ang puso ko. Pogi eh.

Now the thing is, I have a really pathetic set of eyes. My lashes are long and thick and I love them to death–but I’m practically blind without my glasses. That goes without saying na mas handicapped ako sa gabi. So. Anong connection nyan?

Eto: I wasn’t wearing my glasses  while I was walking kanina. Pero nung may naamoy akong pogi, first move ko lagi eh yung i-confirm kung pogi nga sya. So I put my glasses on. Wrong move mehn.

Eyeglasses never lie. And there he was, lo and behold, the box of candies that I was handed–with a load of crap inside. The pogi guy that I almost fell for was wearing a spandex shining-shimmering-splendid black polo shirt. It was black and it was really, really dark but his chest was practically right in front of my face. He could’ve taken off his shirt and I wouldn’t even notice any difference. Define baktong (BAKat-uTONG) talaga.

As if that wasn’t enough, his shoes had one sharp vertex. Mas pointed pa sa labi ko yung shoes nya eh. And if my parents didn’t introduce me the concept of discipline and self-control, I would’ve stabbed that pogay with his snake-skin shoes.

Oo. Snake skin yung shoes nya. Bwiset talaga. Tapos may cocktail ring pa sya, yung sa Mango.

Pag sumabay ulit yun sa paglakad sa akin next time na mapagtripan kong maglakad, ipapalunok ko sa kanya yung slippers ko para matauhan.

Nakakainis. Ang daming poging bading. Ang dami ring magandang bading, yung mas mukhang babae pa sa akin. Pero ang dami ring baklang masakit sa mata. Bwiset talaga. Ang daming nag-papa-asa. Huuuu. Weh.

Not Lovin’ It So Far

Convinced that Papa Piolo Pascual is worthy of my love, I was actually excited for the premiere of Lovers in Paris last Monday. When KC Concepcion said last Sunday on ASAP that their take on Lovers in Paris is part of what they have to offer the Filipino people, you know, in line with the recent Typhoon Ondoy onslaught, I was hoping that the show would live up to KC’s promise. I’ve come up with a list of comments for the show, and yes, making this list is one the most rewarding things I’ve ever decided to do.

1.) The premiere episode was too pretentious. The kid who played Vivian looked like that little brat from an exclusive all-girls school who wouldn’t take no for an answer. Mukha syang malditang batang masarap ilagay sa loob ng container ng mayonnaise. Oo, lalalgyan ko ng butas yung takip if I decide to put her in one of those tiny jars. Tatlong butas, ok na yun for her to breathe.

2.) KC Concepcion’s acting is as good as her singing. And as far as I’m concerned, she doesn’t really know how to sing. She has a sweet voice, yes, but she does not know how to sing. Her acting bores me. Her eyes are not convincing enough; she can’t carry out the right emotions for her scenes. I know that I’m supposed to feel sorry for her in Lovers in Paris because life has not been that kind to her character, but I just can’t bring myself to believe that she’s actually suffering. Kulaaaaaaang. Obvious na obvious na hilaw pa si KC at hindi ko alam kung dadating yung point na her acting will be acceptable enough for people to feel her on screen. Boo. (I don’t really hate KC okay. I just don’t like her that much. I think she’s over-exposed and it’s really bad that producers are trying to make her do everything. Come on people. Why can’t she just pose for Bayo? Isn’t that enough?)

3.) Piolo Pascual is yummy okay. But his take on Carlo is too… uhhhh… stiff? I think he’s trying too hard. And I think he’s trying too hard because KC is trying too hard as well and he just doesn’t want KC to feel as if she’s alone in the game. (Kasalanan ‘to lahat ni KC eh. Kasi naman naman naman.)

4.) Zanjoe Marudo’s French is funny in a weird way. You know, it’s like watching a taong-grasa walk on the streets wearing Prada heels. Hindi bagay. And his acting? Sama na lang sya kay KC sa pagmomodel. Yehey.

5.) If ABSCBN can afford to shoot the teleserye in Paris, France, why can’t they afford to send the cast of Lovers in Paris to a thorough acting workshop? The location is really nice, the cinematography is a bit ok, but the acting really really sucks. Is it such an expensive thing to hire someone to teach the cast how to act? Aaaaahhh. It does not compute okayyyy.

6.) Piolo and KC’s scenes are a bit confusing: hindi ko alam kung si KC ba ang lalake o babae. Si Piolo pa-pretty boy eh, kaya nagmumukha syang babae. You should try to watch. Nakakaloka.

7.) Kaye Brosas is secretly competing with KC for the lead role. I’d take her side though, kung may contest man talaga for the lead female character.

8.) Maricar Reyes is pretty: we know that already. Her acting is worse than KC’s: please note this, para quits naman. Can she just stick with modeling? Please?

So. If this is what they have to offer the Filipino people to make us feel better, you know, after the Ondoy flood, I really really really appreciate the intention. At hanggang intention lang ang pwede kong ma-appreciate for now.