
Ang mga pinaka-significant na mga Mon sa buhay ko: Mon Lorenzo and Dremon Salas. Mamon na lang kulang, kumpleto na. Chos. (Sorry sa malabong picture, hindi ko pa alam na may flash yung camera ng phone ko nyan eh. Hahahaha.)
There are probably more than a million good things about my high school years–and being Mr. Lorenzo’s student is one of them.
It’s one thing to have a cute Math teacher. Ibang level naman yung meron kang cute at matalinong Math teacher at the same time. Mu. Ha. Ha.
Third year ako nung naging teacher ko si Sir Lorenzo. Trigonometry. Medyo takot ako nung una maging student nya, kasi trigo yung topic at marami na akong narinig na horrible trigo stories from older students. I was (then) a kabadong kabayo. Hindi ko pa masyadong na-a-appreciate ang face value ni Sir Lorenzo nung bata-bata pa ako, pero iba yung experience pag malapitan eh. Hihi. Witness ang Curie III sa mga kagagahan ko over Sir Lorenzo. Feel na feel ko kasi eh.
First time kong mag-ce-celebrate ng birthday nang may pasok nung third year ako. (Lagi kasing walang pasok sa St. Mary’s pag December 8. Tapos nung first at second year ako, weekend tumapat. Leche.) So ayun, excited ako diba. Nagdala pa ako ng food nun sa school for the whole class, kasi big big big thing talaga sya para sa akin. Parang first birthday ko, ganon. EH ANG KASO WALA SI SIR LORENZO. He had to leave the country a few days before my birthday because of the SEA Games, na sa Malaysia mangyayari. Feeling ko gumuho ang mundo ko when I heard na wala kaming Math for a week. Tumapat pa sa birthday ko. Shet diba. Naalala ko pa yung Friday na bago sya umalis, December 5, 2004. Binati na nya ako in advance kasi wala nga sya sa mismong birthday ko. HUUUU. So ayun, dumaan ang December 8. Masaya naman, kasi ang fun pala mag-birthday sa school. Two days after my birthday (Wednesday), may nakita kaming tabloid ng mga classmates kong nakakalat sa room. So binasa ko yung horoscope ko for that day, ang nakalagay dun was something like “maghanda sa isang bagay mula sa ibang bansa.” Hindi ako naniniwala sa horoscope kaya hindi ko pinansin yun. Wednesday night, games na ng basketball ang pinapalabas sa SEA Games coverage. Ang alam ko, sa basketball konektado si Sir Lorenzo eh, kaya nanonood ako. AT AYUN LANG! Habang nanonood kami ng buong pamilya ko ng SEA Games coverage, narinig ko bigla, “Hello sa Darwin III ng Quezon City Science High School at kay Imma Frias kasi nag-birthday sya, from Mon Lorenzo.” MU. HA. HA. Whooooooooooo grabe lang ang sigaw ko nung narinig ko yun. Kahit sila Mama nawindang eh! Whoooooooooo binati ako ni Sir Lorenzo sa TV!! Naalala nya ang birthday ko kahit na ilang libong kilometers away sya! Whoooooooooo!
Pagpasok ko sa school the next day, high na high na high na high ako dahil sa greeting na yun. At witness na naman ang Curie III sa kawindangan ko over that brief TV greeting. Hihi.
So ayun. Define crush ako with Sir Lorenzo diba! Hahahaha. Nakakahiya kung iisipin, pero keri lang. Kasi yung fact na crush ko ang Math teacher ko ay ang naging drive ko para i-open ang puso ko sa trigonometry. Kasi nakakahiya naman kung dead na dead ka sa teacher mo pero kulelat ka naman sa klase nya. So I guess nakatulong din naman ang pagkagaga ko sa kanya. Hahahaha.
Jump to a few years after, si Sir Lorenzo ay si Sir Lorenzo pa rin para sa akin. Whenever I hear people talking about the Ramon Lorenzo who’s famous for his books, I can’t help but feel really proud. Eh kasi amazing experience kaya maging teacher si Sir Lorenzo! Hahahaha. Nanlilibre sya ng Selecta Cornetto pag naabutan mo sya sa canteen, nagpapa-trivia contest at nagpapa-talent show sa umpisa ng school year. Pag naiisip ko kung gaano kabongga si Sir Lorenzo, na-a-amaze ako kasi isa sya sa mga taong nakatapak pa rin ang paa sa lupa kahit na kayang-kaya nyang paliparin ang sarili nya. Sya ang unang teacher na nakita kong naka-sandals (as in kita ang toes nya) habang nagka-klase. Cool diba. Pogi pa.
Sir Lorenzo turns a year older today. At sabi nya magpapakain daw sya sa Friday sa QueSci! Hahahaha. Sana magawan ko ng paraan para makalipad ako dun! Hihi. Sayang ang free lunch eh. At possible beso-beso moment.
Happy birthday sir! Dahil po sa inyo, determined na akong pangalanang “Ramon” ang magiging anak ko. Pag lalake lang syempre. Ang sagwa naman kung Ramon name nya tapos girl sya. Hihi. Happy birthday sir!! I love you too! (: