Nung bata ako, akala ko nag-uusap sa loob ng box yung mga munchkins sa Dunkin’ Donuts.

Isa sa mga nicknames na binigay ko kay Patricia ay Munchkin. Pinapili ko kasi sya kung Siopao or Munchkin, sabi nya, kung pwede eh wala syang pipiliin.

Bali ganito ang nangyari:

Me: Pili ka kung anong itatawag ko sayo, Patricia. Munchkin o Siopao?
Patricia: Haaaa? Ano? Ayoko!! Patricia na lang!
Me: Ang haba eh! Pili ka dali!
Patricia: Kailangan talaga?
Me: Oo. Munchkin o Siopao?
Patricia: Munchkin na lang. Ayoko ng siopao, may pula yun sa ulo eh! Tsaka may papel sa pwet.

Hahahaha!! Shiz. May point nga naman sya.

On a more serious note, hindi ko ide-deny na medyo pinagtutuunan ko ng pansin si Patricia. Well, there’s a reason for it. Lagi kasing umiiyak si Patricia, lalo na pag tinutukso sya ng mga tao sa paligid nyang ang taba nya, ganon. And I sort of know how it feels to be in her place. Nakita ko yun nung una pa lang eh, kasi she doesn’t want her picture taken kasi nga raw ang taba nya. Kaya whenever I can, I always tell her that there’s nothing wrong with being a fat kid. Tomorrow, I will show her my kalabaw pictures para mas mainitindihan nya yung mga sinasabi ko sa kanya. Last Friday kasi umiyak sya dahil nga may nang-asar daw sa kanya. Patricia is verrry dear to me, lahat naman ng students ko pinagkakasya ko sa puso ko eh, kaya ayokong nakikitang may umiiyak sa kanila.

Anyway, Monday na bukas! Wheeeeee. Makikita ko ang mga makukulit kong mga alaga.

♥ Dyosaimma

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s