Posted by: dyosaimma on: February 10, 2010
Posted by: dyosaimma on: February 9, 2010
It’s like I signed up for an eat-all-you-can marathon for my brain. I slept at around 2AM. It’s not that I had to finish a lot of stuff, nagising na lang din kasi ako at na-excite na gumawa ng extra work. I didn’t get to sleep that much either–ang hyper ng utak ko, gusto nya ng action.
At 9AM, I just had to stop. Biglang sumakit ulo ko eh. Diba pag kain ka ng kain ng kung ano-ano, sumasakit tyan mo? Parang ganyan ang nangyari sa utak ko kaya no choice na rin ako kundi mag-attempt mag-picture-picture.
At 9AM, pinilit kong i-fuse ang drama at pagka-intellectual, pero epic fail. Mahirap labanan ang kasabawan sorry.
Anyway, gusto ko lang din i-share ang isa sa mga pinakamatinding challenge na pinauso ko sa sarili ko. Since late last year, I figured that I could maybe lose some weight by adding more dairy to my diet. Gradually, nadagdagan nga. I love drinking fresh milk and I love eating cheese as well. Yung yogurt kasi medyo mahal kaya hindi ko masyadong tinatangkilik noon, pero last year, what the hell, go for the yogurt na. (Gusto ko rin pala sanang mag-yoga, kaya lang hindi ko masingit sa budget ko eh. Kaya mas lalong na-push ang yogurt. Katunog naman ah.)
I had to stop being religious to the yogurt diet because Christmas had to be celebrated in the most festive way possible. Mahirap kontrahin ang Pasko.
Last year, I kind of lost some weight but it found its way back this 2010. That’s why lunch looks like this for me:
Tapos nagmamadali akong umuwi before dinner. I can hear my heart yearning for yogurt. Ang kaso, papasok pa lang ako ng bahay eh amoy na amoy ko na yung nilagang baka na niluto ni Papa.
Habang nilalantakan ko yung nilagang baka, inisip ko na lang na yogurt yun. In fairness, masarap naman pala ang yogurt pag hinaluan ng patis na may sili at kalamansi.
Bukas yogurt ulit!
Posted by: dyosaimma on: February 9, 2010
It’s part of my semi-job to read up on various cases of business flops. I have to identify what went wrong and what could’ve been done to save the whole enterprise from going bust. Technically, I’m being paid to highlight other people’s mistakes. I’m not required to rub salt to open wounds though—but sometimes, there’s just no other road to take.
My semi-job is both fun and toxic at the same time. Co-requisites yata ang dalawang yan. Technically, kailangan kong manlait. Kailangan kong ipangalandakan kung anong mali sa mga nangyari. (That’s the fun part.) Kailangan ko rin palang manlait ng may dignidad at kailangang nose-bleed sa technicality ang pagpapa-ikot-ikot. (That’s the toxic part.)
As I finished reading my last case for this night’s batch, I found it odd that there are people (like me) who make a living out of other’s foolishness or lack of judgement. I thought, if there is such a job, then its complete opposite could exist.
Alam kong hindi bagay na sa akin manggagaling yung idea na pwedeng magkaron ng trabaho na ang gagawin mo lang eh mang-praise ng magagandang gawin ng iba. It’s like seeing a mango fall from an apple tree. Pero siguro dala na rin ng pakiki-hype ko sa excitement para sa isang good friend who’ll be having his interview sa UP College of Medicine next week kaya ko naisip yun.
Naisip ko lang kasi, kung nagawa kong hobby ang panlalait, kakayanin ko rin naman ang mamansin ng magagandang bagay ng mas madalas. Sana.
So for good luck, hindi na muna ako manlalait unless nagbabasa ako ng cases. Hindi ko na muna papansinin ang mga masakit tingnan. Puro magagandang thoughts na lang muna ang pupuno sa utak ko and I will convince my dear good friend to do the same. For good luck.
Positive energy is the best policy. At pag si good friend ay natanggap sa UP Med, I will take that as a sign that I should try going for the gold at UP Law.
7 days. Infinite good thoughts. For luck. For UP Med. For you, good friend. Blink blink.
Posted by: dyosaimma on: February 9, 2010
Dear UP Med,
You know this guy:
Well, he’s scheduled for an interview a week from today and he’s worked so hard so he can get in so please please please please accept him wholeheartedly into your oh-so-prestigious college and let him grow in your oh-so-prestigious halls and make his childhood dream come true.
Promise hindi na ko iinom ng fresh milk straight from the carton or hihigop ng yogurt mula sa maliit na butas sa container pag nakapasok sya ng UP Med. Tsaka hindi na ko manlalait ng maganda. Tsaka hindi na rin ako magbebenta ng laman.
Tsaka pag naging doctor na yung guy sa picture sa taas, tutulong ako para magkaroon sya ng libreng tuli missions. Sige na UP Med. Sige na.
UP Med, I know that we’re not that close, pero ngayon lang naman ako hihingi ng favor sayo eh. Yehey. Thank you!
Love,
Posted by: dyosaimma on: February 8, 2010
I’ve never managed to finish listening to the song “Friend of Mine”. I like seeing and hearing things that I can relate to, but that song is just too much.
I’m such a loser that I really had to blog about this thru my iPod. I was excited to sleep, kaya lang yung shuffle mode dito sa iPod magaling mang-trip eh. Nakakainis ka ngayon, shuffle mode. Mas nakakainis kang kanta ka. Boo!
Posted by: dyosaimma on: February 8, 2010
It’s weird when your mom starts to ask you about what you intend to do with your life. Weird kasi lagi na lang nyang alam ang ibabanat na wala kang maisasagot.
When the world becomes your open catalog for the possible career paths that you might want to get your heart and soul bruised on, nagiging mas magulo. Una kong na-realize to sa UP Diliman. Kasi bahala ka sa subjects, bahala ka sa schedule, bahala ka sa classes mo. Riot kung riot sa dami ng possibilities. Agawan sa magandang schedule, sa exciting na classes.
Lately I’ve been thinking a lot about what my next move will be. The next round of law school qualifying exams will be on November pa. Culinary school, business school and fashion school naman yung sunod sa mga iniisip ko. May nakausap ako last week tungkol sa mga pinaplano ko at tinawanan nya ako ng bongga kasi ang lalayo ng choices ko.
I guess when you’re 21 and you’re excited about life and the things that you do make you adapt a semi-career-centered routine, it gets boring. You start losing the excitement once you get used to the pressure. Darn. Boring na pag walang challenge at pag wala ng dumarating na bago.
Ayan. Naiisipan ko tuloy mag-record ng videos kasama yung pinsan ko. Gusto kong kumanta eh. Gusto kong linisin yung pagkanta ko pala. Masyado akong marumi kumanta hahaha. Tapos iipunin namin yung videos namin tapos ibebenta namin sa mga aunties at uncles namin tapos yayaman na kami kasi mahihiya silang magbigay ng konti.
I’m excited for this week. Not because of Valentine’s. Excited ako kasi I think I’m going to channel this kasabawan into something new. Something na hindi boring.
At para sa good friend ko, tingin ko kailangan mo lang ng rest. Breathe. Parang lately kasi medyo stressed ka sa mga plano mo sa buhay. Well, hindi naman maiiwasan yung stress. At sabi mo nga rin, there’s fun in toxicity rin naman. Alam mo naman sigurong I’d do splits up in the air kasama ang mga cheerleaders na may mas maliliit na mga hita kesa sakin just to show you that I’m here kahit ano pang maging ending ng lahat ng mga plano mo ngayon. Just keep your options open. Tsaka ano, open your heart and read between the lines. Wala lang, para lang maraming matatalinhagang terms. Hahaha. Smile dear good friend, smile.
Posted by: dyosaimma on: February 7, 2010
Masyado akong natuwang mag-post tungkol sa Glee. Sorry.
These are the things that I like about Glee:
1) Their cover of “Don’t Stop Believing”
2) Finn’s cover of “Can’t Fight This Feeling”
3) The fact that they got Kristin Chenoweth to guest (and sing!!) on their show.
AND these are the things that I don’t like about the show:
1) They made “Defying Gravity” sound too poppy. It’s not supposed to sound like that—the song’s lyrics are too heavy to sound like something that Vanessa Hudgens can sing while sitting. Ganito dapat ang tamang pagkanta sa Defying Gravity para mabigyan ng justice yung weight ng lyrics:
2) Rachel’s nose is really, really weird. In a disturbing kind of way.
3) It’s hard to tell if Finn is gay or not. Anobeh Finn umayos ka. Malapit na kong mag-fall. Hahaha.
Posted by: dyosaimma on: February 7, 2010
When I was in St Mary’s, trapped in a Snow White-collared blouse and pa-cute school shoes, I’ve always wanted to join glee club. As in. Pero ang problema eh nahihiya naman akong kumanta. Tsaka mas marami akong nahihilang kasama nun sa Dance Club kaya ilang years din akong naging Dance Club member. I love-love-love dancing. Kinder pa lang, bida-bidahan na ako sa dance club. Kasi naman, ang taba-taba ko pero game ako sa pagkembot. Ngayong I don’t get to dance that much, yung kembot, sinasama ko na lang sa lakad. My mom thinks it’s ridiculous for me to walk that way, pero it makes me feel good. Kaya nga ako nag-invest sa iPod eh para pag naglalakad, may music na kasabay eh.
Naging Young Home Makers’ Club member din ako nung grade three. In fairness, marami akong natutunan sa club na yun, medyo magastos nga lang kasi every week kami nagluluto at nagdadala ng ingredients. Teachers ang papatikimin namin ng mga gawa namin, so kumusta naman yun, para kaming mga sponsors ng feeding program. Gumawa kami ng polvoron, pastillas, potato salad tsaka nagluto rin kami ng iba-ibang ulam. Tinuruan din kaming mag-cross stitch. In fairness, enjoy. Pero medyo naulit lang yung mga ginawa namin sa Young Home Makers’ Club sa EPP (Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan) namin from grade 4 to 6.
Naligaw rin ako sa Math Club, Book Lovers’ Club at Barangayette Club. Yung Barangayette, club sya ng mga members ng grade school student council. Pero sa pagkaka-alala ko, sa Barangayette Club meetings eh puro pagkanta lang ng Westlife, N Sync at Back Street Boys songs ang ginawa namin.
Nung nasa Quesci naman ako, ang joke time ng mga club. Kind of. Nabubuhay lang sila pag school fair kasi. Tapos siguro kasi nasanay ako sa buhay sa St Mary’s na every Friday ay may club meeting, medyo magulo ang tingin ko sa clubs na nasalihan ko nung high school. Well. Except for one: Himig Scientia. Naks.
Medyo naligaw ako sa Himig nung high school at na-enjoy ko sya. Yes. Wala lang. Ang haba ng intro ko, ito lang naman ang point ko. Hindi ko kasi ginawa lahat ng dapat kong gawin ngayon. I watched Glee instead. I don’t consider myself a Gleek, hindi ko naman kasi super duper gusto yung show. Pero I don’t hate it either. Siguro kasi I can’t relate that much to the setting—iba naman kasi ang treatment sa high school dito sa Pilipinas pag member ka ng choir. Hindi sya kagaya sa US na loser kid ka when you want to perform. Dito parang ano sya, cool, ganon.
I just don’t see the point kung bakit kelangang i-single out yung mga batang talented sa pagkanta at pagsayaw sa ibang bansa. It made me think na I’m kinda lucky that I grew up in a place where talent in appreciated.
At ang malas lang ni Rachel dahil ang weird masyado ng ilong nya at parang maga ang mga labi nya. Hahaha.
Posted by: dyosaimma on: February 5, 2010
Last night, I was SO sure that I was in like. Umabot pa nga sa level ng pagiging in love eh.
Look at me now: I’m smiling back at cute strangers in the jeep.
Kagabi sure na sure na sure na ko eh. Ewan ko kung anong nangyari at naguluhan na naman ako. Nawawala kasi yung papel kung nasan yung FLAMES namin ni Mr. Big eh, kaya siguro bigla ring nawala yung like factor.
Siguro dapat sa susunod na ma-feel kong parang sure na sure na sure na sure na ko, dapat maging madaldal na ko.
Kasi naman. Ang gulo rin ng mga tao eh. (O nanisi pa.)
Bwiset na hiya ‘to. Kinakain ako. Hindi naman bagay. Hahahaha.
Posted by: dyosaimma on: February 5, 2010
Amazing to the bones ang feeling (para sa akin) pag may nakikita akong isang tao na matagal mo nang hindi nakakasama. Tapos i-hu-hug ka nya ng mahigpit tapos hindi na matatapos ang kwentuhan nyo. Kahit na ang dami ng bago sa kanya at ang dami na ring bago sayo, nakakataba ng puso yung realization na kahit gaano pa kalaki ang pinagbago ng mga mundo nyo, mahirap baguhin ang mga bagay na nakatanim na sa puso.
Wala lang. Pasimpleng drama lang. Amazing amazing amazing kasi. May nakita akong friend ko. Actually ate ang tingin ko sa kanya. Tapos instead na lilipad ako pauwi, sinamahan ko na lang sya. Pareho kaming pagod, sa tingin ko. Pero yung kwentuhan namin habang bumabyahe sobrang alive na alive. Parang two birds with one stone nga yung pagkakakita ko sa taong yun, kasi it’s been a while since sumakay ako ng jeep tapos na-enjoy ko yung byahe kahit ma-traffic. Somewhere between Elliptical Road and Quezon Avenue, naisip ko yung mga nangyayari sa akin at sa mga taong connected sa akin.
If I were to make a list of all the people na hindi na kumakausap sa akin ngayon, kailangan nyo kong bigyan ng manila paper. Dalawa. Ganon sila karami. And it’s not that I’m proud of it ha, parang naging trend na rin kasi sya. Ewan ko. Nasanay na lang din siguro ako na napapalayo yung loob ng isang tao sa akin tapos hindi ko ma-gets yung reason behind our gap, kaya hindi ko na masyadong binibigyan ng effort para ayusin. Napaka-literal ng pag-intindi ko sa “kung ayaw, edi wag” when it comes to friendships. It’s such a sad, sad, sad thing sa totoo lang, pero ganon ako eh. As I’ve said, sanay na rin ako.
So ayun. Perfect timing! WHEEEEEE. Hindi naman physically nakakapagod ang araw na ‘to kung iisipin. Medyo mas pagod lang yung puso ko kesa sa paa ko siguro, ganon. Parang nagpa-spa yung puso ko dahil lang sa pakikipagkwentuhan ko ng bongga sa “ate” na yun. MAGIC MAGIC.
Medyo nakakawindang lang kasi ang dami nyang alam. Kahit ngayon lang kami nagkita, ang dami nya talagang alam. Nakakaloka.
WHOOOO. This is the time to fix things siguro.
PS: ATE. May sagot na ako sa tanong mong “pwede ka naman pala talagang magkagusto sa good friend mo no?”
MINSAN.